Pangulong Duterte, nais makaharap ang malalaking rice traders sa bansa

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang malalaking rice traders sa bansa.

Ito ay upang malaman ang kasalukuyang estado at totoong sitwasyon sa suplay ng bigas sa bansa.

Sa gagawing  pagpupulong, inaasahan din na harapang sasabihin ng Pangulong Duterte sa mga rice traders na hindi uubra sa kanyang Administrasyon ang kalakarang pagmamanipula sa presyo at pang-iipit sa stock ng bigas.

Pagkakataon na rin aniya ang harapang mangyayari para masabi ng Pangulo sa mga negosyante na hindi dapat magsakripisyo ang Filipino consumers sa mataas na presyo ng bigas.

Partikular na inatasan ng Chief Executive si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino para magpadala ng imbitasyon sa malalaking negosyanteng nasa rice industry at makaharap ng Pangulo para sa isang pagpupulong. | via Alvin Baltazar