Pangulong Duterte, nagpasya na sa planong pagtatayo ng mega casino resort sa Boracay

Kahit binggohan ay walang maitatayo sa Boracay island.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte nang matanong tungkol sa planong konstruksiyon ng isang limang daang milyong dolyar na integrated resort na joint venture ng Galaxy Entertainment at Leisure and Resorts World Corporation.

Paniniguro ng Pangulo, walang anumang casino na lilitaw sa isla ng Boracay dahil hindi siya papayag.

Kwento pa nga ng Presidente, na noong siya’y alkalde pa lamang ay may sinabihan siyang dating Presidente na mag-aaway lamang sila kung magpipilit itong magkaroon ng binggo o jai alai sa Davao.

Gayunpaman, hindi na binanggit pa ng chief executive kung sino ang dating Pangulo ng republika.

May karanasan aniya kasi siya noong estudyante pa, na ang allowance niyang dapat ay sa pagkain ay napupunta lang sa jai alai, at sa bandang huli siya’y nagkakautang pa. | via Alvin Baltazar