Pangulong Duterte, nagpahayag ng pakikiisa sa pagsisimula ng Ramadan

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapatid na Muslim kaugnay ng pagsisimula ngayong araw ng Ramadan.

Sa mensahe ng Pangulo, ipinaabot nito na sana’y makamit ng lahat ang pagpapala, awa at kapayapaan sa ngalan ni Allah.

Sa pamamagitan aniya ng fasting at pananalangin, naipapakita ng bawat Muslim ang kagustuhan ni Allah at makamit ang spiritual cleansing.

Sinabi ng Pangulo na kaisa siya ng bawat kapatid na Muslim sa panahong ito ng pagninilay nilay at sakripisyo.

Sa huli ay hinikayat din ng Pangulo ang mga kapatid na Muslim na magsama-sama sa harap ng ginagawang nation building ng pamahalaan. | via Alvin Baltazar