Pangulong Duterte, nagbabala sa kakaibang pagbabagong magaganap sa larangan ng public order and security sa mga susunod na araw

Nagbigay-abiso si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kaugnay ng aniya’y mga pagbabagong magaganap sa mga darating na araw na may kinalaman sa public order and security.

Sa talumpati ng Pangulo kagabi, sinabi nitong marami pa ring mga krimen ang nagaganap, kabilang na dito ang kidnapping at kabi-kabilang patayan.

Inihayag ng Presidente na ngayong nabigyan siya ng pagkakataong magsilbi sa bayan, gagawin niya aniya kung ano ang nararapat para mailagay sa ayos kung ano ang dapat na maisaayos.

Kasama ring binalaan ng Pangulo ang mga kriminal pati na ang mga taong gobyerno para sa aniya’y radikal na pagbabago na gagawin niya sa mga susunod na araw.

Hindi rin pinalampas ng Chief Executive ang human rights na ayon kay Pangulong Duterte dapat na umayos dahil kung hindi ay mahaharap aniya tayo sa mas malaking problema. | ulat ni Alvin Baltazar