Pangulong Duterte, muling nanibak ng isang mataas na opisyal ng gobyerno

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa nitong pagsibak sa isa na namang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Ang anunsiyo ay ginawa ng Presidente sa ginawang panayam ni Pastor Quiboloy sa Pangulo.

Sa naging paglalahad ng Chief Executive, nitong nakaraang araw niya lamang inalis sa puwesto ang hindi na muna nito pinangalanang government official.

Sabi ng Pangulo, nag-ugat ang kanyang hakbang na muling magsibak dahil sa sumbong mula sa
private complainants.

Dagdag ng Pangulo na kanya pang sinabihan ang complainant na kung nais maghabla sa sinibak na mataas na opisyal ay hindi niya ito pipigilan.