Pangulong Duterte, muling nagtalaga ng mga bagong appointee

Pangulong Duterte, muling nagtalaga ng mga bagong appointee

Muling nagtalaga ng mga bagong appointee si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs o DFA, Department of Interior and Local Government o DILG at Department of Justice o DOJ.

Ipinuwesto sa DFA bilang Special Envoy of the President for Overseas Filipino Concerns ang kinumpirmang miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC ngunit walang linaw kung ito ba ang lider ng makapangyrihang relihiyon.

Mahigit sa 20 ang bagong appointee na itinalaga sa DILG habang nasa 16 ang naitalaga sa DOJ bilang mga bagong piskal at direktor.

Sa kabilang dako’y inilagay ng pangulo si Herman Billiones Jumilla bilang bagong Undersecretary sa Department of Budget and Management o DBM.

Isang Eduardo Villanueva Manalo naman ang itinalaga ng Presidente sa DFA bilang Special Envoy of the President for Overseas Filipino Concerns.

Kinumpirma naman ni Special Assistant to the President Christoper Lawrence “Bong” Go na isang INC ang itinalaga sa DFA pero maliban dito ay hindi naman idinetalye kung ito ba ang Executive Minister ng maimpluwensiyang relihiyon. | via Alvin Baltazar