Pangulong Duterte may rason para magalit sa mga international human rights advocate – Palasyo

Hindi umano masisi si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit patuloy itong nagagalit at minumura ang mga international human rights advocate.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, natural lang na ganito ang reaksyon ng Pangulo dahil sa patuloy na panghihimasok ng grupo sa kasarinlan ng bansa.

Giit ni Panelo, hindi siya kumbinsidong patas ang ginagawang imbestigasyon ng grupo tulad ng Inter-Parliamentary Union (IPU), dahil wala pa ngang imbestigasyon ay may konklusyon na ito sa umano’y political persecussion ng Duterte administration laban sa mga kalaban nito sa politika.

Umalma din si Panelo sa sinasabi ng IPU na kinuha nito ang panig ng gobyerno noong imbestigahan ang kaso ni detained Sen. Leila de Lima gayong wala naman natanggap na komunikasyon ang pamahalaan mula sa grupo.

Sinabi ng kalihim, na ang ginawa ng grupo ay bumisita lamang kay Sen. De Lima at pagkatapos ay agad na itong nagpalabas ng findings na hindi paborable sa gobyerno.  | ulat ni Alvin Baltazar