Pangulong Duterte, masaya at kuntento sa performance ng kanyang gabinete

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa performance ng kanyang mga gabinete.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ipinahayag ng Presidente ang kasiyahan sa trabaho ng kanyang mga cabinet members sa kanilang isinagawang Christmas party nitong nakaraang Biyernes.

Sinabi ni Andanar, na mataas din ang kumpiyansa ng chief executive sa hanay ng kanyang mga gabinete, na isa sa ikinatutuwa aniya ng Pangulo ay non-politician ang karamihan.

Ani Andanar, patuloy na paalala sa kanila ng Presidente ay iwasan ang korapsiyon at ipagpatuloy lang ang pagtatrabaho ng maayos.

Nagpahayag din aniya ang Pangulo ng kanyang buo o isang daang suporta kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, sa gitna ng ipinupukol ditong isyu na may kaugnayan sa budget insertion sa proposed  2019 national budget. | ulat ni Alvin Baltazar