Pangulong Duterte, itinalagang ad interim secretary ng DAR si John Castriciones; Dalawa pang miyembro ng ConCom, pinangalanan

Nagbaba na ang MalacaƱang ng appointment letter para kay acting Department of Agrarian Refrom Secretary John Castriciones.

Base sa appointment letter na may petsang March 22, 2018, itinatalaga bilang ad interim secretary ng DAR si Castriciones.

Matatandaang noon pang Disyembre 2017 naupong acting secretary si Castriciones kapalit ni dating DAR Chief Rafael Mariano na hindi pinasa ng Commission on Appointments.

Dumaan na rin sa CA si Castriciones nitong Marso pero binay-pass ng komite ang appointment nito matapos makwestiyon ang kanyang track record.

Samantala, nagtalaga na rin ang Pangulo ng mga bagong miyembro ng Consultative Committee na magrereview sa 1987 Constitution para sa pagbubuo ng Pederalismo sa bansa.

Base sa appointment letter na binaba ng MalacaƱang na may petsang April 6, 2018, itinatalaga bilang bagong mga miyembro sina Rex Cambronero Robles at Jose Martin Azcarraga Loon.

Sina Loon at Robles na ang ika-21 at ika-22 miyembro ng ConCom na pinamumunuan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.

Base sa Executive Order No. 10 na pinirmahan ng Pangulo noong December 2016, bubuuin ng hindi hihigit sa 25 miyembro ang Consultative Committee. | via Nimfa Mae Asuncion