Pangulong Duterte, inaming may hinanakit sa ilang sundalo sa gitna ng isyung pagpapabagsak sa kanya

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na may hinanakit siya sa ilang sundalo sa harap ng nagpapatuloy pa ring report na may tangkang pabagsakin ang kanyang liderato.

Sabi ng Pangulo, naghihinanakit siya sa ilang militar gayung ang iba sa mga ito ay lumalabas na kasa-kasama pala sa planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Pahayag ng Pangulo, hindi niya maintindihan ang utak ng ilang sundalo patungkol sa kung nasaan ba talaga ang loyalidad ng mga ito.

Kung may galit ang ilang militar sa kanya, na batay sa kanyang nakakalap na impormasyon ay nakikipag-ugnayan sa mga dati na ring sundalong nagrebelde na sa pamahalaan, walang problema ito ayon sa Pangulo pero ibang usapan na kung nakikipag-usap na ito sa mga kalaban.

Sa harap nito’y inihayag ng Pangulo na handa siyang bumaba sa puwesto sa gitna ng hindi pa ring humuhupang mga impormasyong may kinalaman sa tangkang pababain siya sa pagka-Pangulo.¬† | ulat ni Alvin Baltazar