Pangulong Duterte, inaasahang dadalo sa pagdiriwang ng Labor Day sa Cebu sa Mayo 1

Inaasahan ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Mayo 1, sa isasagawang selebrasyon ng Labor Day sa lungsod ng Cebu.

Ito ay kinumpirma mismo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Joel Maglunsod sa isang press conference, na isinagawa sa regional office ng DOLE sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Maglunsod, may ibabahaging magandang balita ang Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa naturang Lungsod.

Sinabi din ni Maglunsod, na ito ay may kinalaman sa higit na 17,000 mga trabahante na nabibilang sa formal sector na apektado ng pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay.

Dagdag nito, na patuloy naman ang pagtulong na ginagawa ng ahensiya sa iba pang apektado lalong-lalo na ang mga trabahante na nabibilang sa informal sector.

Maliban sa mga isasagawang job fair at medical at dental mission ng DOLE sa araw na iyon, meron din ipapa-raffle na tatlong house and lot sa Luzon, Visayas, at Mindanao para sa mga dadalo.

May limang libong tickets na ipapamigay ang DOLE sa araw na iyon. Ang house and lot naman na pa-premyo ay inihandog ng Pag-ibig Fund. | via Carmel Matus –┬áDYMR Cebu