Pangulong Duterte, inaasahan ang pagdating sa China pasado alas-3:00 mamayang hapon para sa Boao Forum for Asia

Pasado alas-3:00 mamayang hapon inaasahan ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Qionghai Boao Airport sa China.

Kaugnay ito ng gagawing partisipasyon ng Punong Ehekutibo sa Boao Forum for Asia Annual conference dito sa Hainan, province.

Kabilang sa inaasahang entourage ng Chief Executive sina DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, National Economic Development Authority Chief Ernesto Pernia at Presidential Communications Operations Office Secretry Martin Andanar.

Ilan din sa kasamang miyembro ng gabinete ng Presidente ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, Department of Energy Secretary Alfonso Cusi at Secretary Fortunato de la Peña.

Ang Boao Forum for Asia ay isang non- profit organization na nag-oorganisa ng high level forum para sa mga heads of state, government ministers, business leaders at academic experts mula ASIA.

Ang forum ay inisyatibo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1988 na kung saan, 26 na bansa ang inisyal na nakilahok at ngayo’y nasa 29 na. | via Alvin Baltazar