Pangulong Duterte, iginiit ang pakikipag-usap kay MNLF Founder Misuari

Cotabato City – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang makausap si Moro National Liberation Front (MNLF) chair Nur Misuari para sa hakbang tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Ayon pa sa Pangulo, mas malaki ang maitutulong ni Misuari sa paghahanap ng solusyon para sa minimithing kapayapaan ng mga taga Mindnanao.

Aniya, kahit na meron ng kinakasang Bangsamoro Organic Law (BOL), mas iba pa rin umano kapag kasama ang MNLF chair.

Dagdag pa nito, handa niyang tulungan ang grupong MNLF sa kapayapaan na kanilang hangad. | ulat ni Armando Fenequito – Radyo Pilipinas Davao