Pangulong Duterte, hindi pa muna makauwi ng Davao bilang pag-iingat sa kasalukuyang estado ng COVID-19 sa bansa

Limitado pa rin ang pagbiyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit sa Davao ay hindi makauwi.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng bihira ngayong paglipad ng Pangulo sa kanyang hometown.

Paliwanag ni Roque, bahagi pa rin kasi ito ng pag-iingat ng Presidente lalo na at mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Ang iniiwasan aniya dito ay ang
posibilidad na maapektuhan ang Presidente kaya steady na lang muna ito sa kanyang residence sa MalacaƱan.

Konsiderasyon na din aniya sa hindi pag-uwi muna ng Pangulo sa Davao ang hindi maiiwasang movement lalo’t maraming PSG ang nagbabantay sa Punong Ehekutibo.