Pangulong Duterte, hindi kalaban ng simabahang Katolika ayon kay SAP Bong Go

Hindi kaaway ng Simbahang Katolika si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas General Membership Meeting.

Sa katunayan, inihayag ni Secretary Go na labis ang nararamdamang pagkabahala ng Presidente sa nangyaring magkakasunod na pagkakapatay sa tatlong alagad ng simbahan kamakailan.

Dagdag ng kalihim na nakahanda si Pangulong Duterte na magbigay ng proteksyon sa mga pari sa pamamagitan ng pagdi-deploy ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) kung kinakailangan.

Ipinaliwanag ni Secretary Go na sa mga pagkakataong nakapagbibitiw ng salita ang Pangulo sa mga pari ay dahil ayaw lang nitong pakialaman siya sa kanyang trabaho bilang Presidente ng Republika.

Mas maiging gawin na lang ani Go ang kani-kanilang mga nakatakdang tungkulin.| ulat ni Alvin Baltazar