Pangulong Duterte, hindi distracted sa kasalukuyang nangyayari sa administration party na PDP Laban

Tiniyak ng Palasyo na nananatiling nakapokus si Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho nito at hindi apektado ng mga nagaganap sa ruling party na PDP Laban.

Sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, tuloy ang mga aktibidad ng Presidente at hindi naman damay ang trabaho ng Chief Executive sa kung anomang hindi pagkakaunawaan sa loob ng partido.

Tuloy lang ani Roque ang buhay sa
MalacaƱang gaya ng nakagawian.

Abala sabi ni Roque ang Pangulo sa mga pagpupulong, pagdedesisyon sa ibat- ibang bagay na kailangang ianunsiyo sa mamamayan.

At kaugnay ng nangyayari sa kasalukuyan sa PDP Laban, inihayag ng tagapagsalita ng Pangulo na
Chairman nga ng partido ang Presidente pero hindi naman aniya maaaring diktahan ng Pangulo kung ano ang gagawin ng partido.