Pangulong Duterte, hindi binalewala ang arbitral ruling ayon kay dating Speaker Cayetano

Hindi binalewala ni Pangulong Duterte ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas kontra sa China.

Ito ang depensa ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa pahayag ng Punong Ehekutibo na ginagawang isyu ngayon ng mga kritiko.

Diin ng dating kalihim ng Department of Foreign Affairs, mismong sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DFA Sec. Albert Del Rosario, dating Associate Justice Antonio Carpio ay hindi naman iginiit sa Pangulo ng China ang naturang arbitral ruling.

Mali rin aniya na sabihing isinsantabi ng Pangulong Duterte ang naturang ruling.

Bukod dito wala ring isla ang nawala sa ilalim ng Duterte administration.

Katunayan sa nakaraang adminsitrasyon pa aniya nawala ang Scarborough Shoal at nasa DFA ang records at dokumento para patunayan ito.

Mungkahi naman ni Cayetano boluntrayong magkulong sa isang kwarto sina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Defense Sec Delfin Lorenzana, Presidential Spokesperson Harry Roque, dating senador Antonio Trillanes, kasama sina del Rosario, at Carpio at dito pag-usapan lahat ng isyu, at bumuo ng rekomendasyon sa Pangulo para sa isang ng unified strategy.