Pangulong Duterte, hands off sa tax evasion case na isinampa kay Rappler President Maria Ressa

Masyadong maraming trabaho ang Pangulong Rodrigo Duterte para pag-aksayahan pa nito ng panahon ang kamakailang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Rappler President Maria Ressa.

Tugon ito ng Palasyo kasabay ng pagbibigay-diin na walang anumang kinalaman ang Chief Executive sa asuntong tax evasion na inihain ng Justice Department.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala sa bokabularyo ng Pangulo na mangialam sa trabaho ng Judiciary.

Ang mas maiging gawin ayon kay Panelo ay ipaubaya na lang sa Hudikatura, kung may probable cause sa isinampang asunto kay Ressa na maaari namang makapag-piyansa.

Kung hindi naman mapapatunayan na may ginawang paglabag ang opisyal ng Rappler sa gitna ng tax evasion complaint dito, tiyak na ito’y mapapawalang-sala habang nananatili pa rin na inosente si Ressa dahil sa presumption of innocence.  | ulat ni Alvin Baltazar