Pangulong Duterte, determinadong makuha ang herd immunity lalo na sa NCR plus pagdating ng Nobyembre

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na maaabot ang population protection mula sa COVID-19 pagsapit ng huling linggo ng Nobyembre.

Partikular na ang area ng NCR plus na itinuturing na mga high risk sa virus.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na sadyang hindi maiiwasang may panahon ng pagsisimula hanggang sa marating na din ang puntong nagiging mabilis na ang vaccination ng pamahalaan at maabot ang target na maprotektahan ang mayorya ng mga Pilipino.

Dangan lang talaga ayon kay Roque ay hindi niya maalis sa kanyang isipan na para bagang nagdadasal ang mga kritiko na sana’y sumablay ang pamahalaan sa vaccination program nito.

Kaya mensahe na lang ng tagapagsalita sa mga kritiko, mag- usap na lang sila pagdating ng November 27.