Pangulong Duterte, dadalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Sabado

Personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, sa Sabado, June 12. Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa kalihim, sa labas ng Metro Manila ang dadaluhang aktibidad ni Pangulong Duterte.

Gayunpaman, hindi na muna nagbigay pa ng ibang detalye ang kalihim bilang pagsunod sa security protocols ng MalacaƱan.

Matatandaan na noong 2018, pinangunahan rin ng pangulo ang selebrasyon ng Independence Day sa Kawit, Cavite.

Sa darating na Sabado, ito na ang ikalawang taon na pangungunahan ng pangulo ang seremonya para sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Roque, na ang mga Pilipino, sa simula pa man ay iaalay ang buhay para sa Kalayaan ng Inang Bayan.