Babalik ng Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte para sa paggunita ng unang taon ng Marawi siege.
Pagtiyak ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, pupunta sila ng Pangulo sa lungsod at magbibigay ng mensahe sa komemorasyon.
Gayunpaman, wala na munang ibinigay na schedule ang tagapagsalita kaugnay ng gagawing pagbabalik sa Marawi dahil na rin sa usaping panseguridad.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na kuntento naman ang Pangulong Duterte sa itinatakbo ng ginagawang pagsisikap ng gobyerno upang muling maibangon ang nawasak na lungsod.
70 porsiyento na aniya ng mga tagaroon ay pawang nakatira na sa mga permanente at pansamantalang tirahan at posibleng mas maagang maabot ang target date para muling makabangon ang Marawi. | via Alvin Baltazar