Pangulong Duterte, ayaw nang ipadaan sa mga alkalde ang tulong ng national government

Nagpahapyaw na si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging trabaho ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na nakatakdang magretiro sa military service.

Sinabi ng Pangulo, huwag ng ibigay ng direkta sa mga alkalde ang relief goods sa panahon ng mga kalamidad.

Katwiran ng Presidente, dahan-dahan daw kasing nawawala sa pangangalaga ng mga alkalde ang relief goods kapag idinaan ito ng national government sa kanila.

Bukod dito’y namimili din ang mga nasa lokal na pamahalaan ng kanilang tutulungan, kung saan supporters lamang nito ang mas nakikinabang sa tulong sa panahon ng kalamidad.

Ang gusto ng Chief Executive, kunin na lang sa Department of Interior and Local Government (DILG) at DSWD ang validated list sa local chief executives at mula doon ay direkta nang ibigay sa mga apektadong kinauukulan ang tulong ng national government sa panahon ng emergencies. | ulat ni Alvin Baltazar