Pangulong Duterte at Secretary Bello, mag-uusap tungkol sa posibleng magandang balita na maihahatid sa mga manggagawa bukas

Magpupulong ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte at si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, kaugnay ng anumang posibleng maianunsiyo para sa pagdiriwang bukas ng Araw ng mga Manggagawa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, magiging sentro ng pag-uusap kung ano ang maaaring maibibigay na good news ng Pangulo para sa May 1 Labor Day celebration.

Sinabi ni Roque, gagawin ng Pangulo ang anunsiyo sa Mabolo, Cebu City bukas.

Bukod kay Bello, makakasama ng Pangulo sa pagdiriwang ng araw ng mga obrero sina a Department or Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Sa panig ni SAP Go, tiniyak nitong nagpapatuloy ang gobyerno sa paghahanap ng livelihood at job opportunities, sa layuning matugunan at mahanapan ng mapapasukan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho. | via Alvin Baltazar