Pangulong Duterte at Presidente ng Sri lanka, maghaharap mamaya sa Malacañang

Alas kuwatro mamayang hapon inaasahan ang pagdating sa Malacañang ni Sri Lanka President Maithripala Sirisena para sa opisyal na pagsisimula ng kanyang five-day working state visit sa Pilipinas.

Pagkatapos ng welcome ceremony sa bumibisitang lider na gagawin sa Kalayaan grounds ng Palasyo, diretso si Sirisena sa loob ng reception hall para sa guestbook signing.

Pagkatapos nito ay dadalo ang lider ng Sri Lanka sa isang meeting, na susundan na ng kanilang bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ng meeting nina Pangulong Duterte at ni President Sirisena ay ang gagawin namang lagdaan para sa ilang kasunduan.

Asahan din ang pagbibigay ng joint press statement bago ang state banquet. | ulat ni Alvin Baltazar