Pangulo, tiniyak sa Chinese investors ang isang corrupt free environment PH

Ginarantiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Chinese investor ang isang corrupt-free environment sa kanilang magiging transaksiyon sa Pilipinas.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa harap ng mga mamumuhunang Chinese na dumalo sa Philippines-China Business Forum sa Beijing.

Philippines-China Business Forum 8/30/2019

President Rodrigo Roa Duterte leads the Philippines-China Business Forum at the Grand Hyatt Beijing in Beijing, People’s Republic of China on August 30, 2019.Joining the President are Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, members of the Philippine Business Delegation and their Chinese counterparts.Earlier in the day, the President held a bilateral meeting with Chinese Premier Li Keqiang where they discussed Philippines-China initiatives to further intensify the economic ties of the two nations.#DuterteLegacy#PartnerForChange#ComfortableLifeForAll

Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Friday, August 30, 2019

Garantiya ng Pangulo, pinakamatagal na ang dalawang araw sa pag-iisyu ng permit at hindi aniya uubra na may maidagdag o maibawas pang mga requirement sa paglalakad ng mga dokumento, sa kanilang gagawing pagnenegosyo sa bansa.

Sakali aniyang may opisyal ng gobyerno na magtangkang manghingi ng lagay umusad lang at huwag ng magpabalik-balik para sa inaayos na papeles, sinabi ng Pangulo magsumbong lang sa kanya at ito ay kanyang ipatatawag.

Sa harap ng nagrereklamong investor ay pakakainin aniya ito ng lumang pera o barya.