Pangulo, pupunta sa Sagay City, Negros Occidental kung saan nangyari ang pamamaril sa mga sugar worker

Kinumpirma ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang gagawing pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na pinangyarihan ng pamamasalang sa siyam na magsasaka sa Negros Occidental.

Sinabi ni Go na sa kanyang pagkakaalam, bukas pupuntahan ng Pangulo ang Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City kung saan naganap ang karumaldumal na krimen.

Sinabi ni Go, na nais ng Pangulo na personal na tingnan ang sitwasyon habang nakapagbigay na rin ito ng direktiba sa mga otoridad na tutukang maigi ang malagim na insidente.

Nakakalungkot ayon kay Go ang pangyayari na lalo’t may nadamay pang dalawang menor de edad sa pamamaril.

Batay sa paunang ulat, nagpapahinga lamang ang mga biktimang magsasaka sa isang makeshift tent ng paulanan ng bala ng mga suspek, nitong nakaraang Sabado ng gabi.  | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy:  PRO 6