Pangulo, makikiramay sa mga kaanak ng nasawing sundalo sa Calbayog

Bagamat hindi nakapunta kanina sa Libingan ng mga Bayani si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdiriwang ng National Heroes day, patulak naman ang Chief Executive mamayang hapon sa Calbayog.

Sa ambush interview kay Senador Bong Go, sinabi nitong bibisita ang Pangulo sa mga naiwang kaanak ng dalawang sundalo na namatay sa engkuwentro nitong nakaraang Biyernes sa Calbayog.

Nasawi sa nabanggit na engkuwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at ng puwersa ng 43rd Infantry Battalion na sina 2nd Lt. Geroe Jade Nicor at Coporal Joel Canico.

Ayon kay Go, maituturing pa rin itong bahagi ng paggunita sa Araw ng mga Bayani ,lalo’t maituturing na kabayanihan ang ginawang pagbubuwis ng buhay ng mga nasawing kawal para sa bayan.

Manggagaling ang Presidente dito sa Maynila patungong Calbayog mamayang hapon.