Pangingialam ng kaparian sa pamahalaan, nangyayari na noon pang panahon ni Rizal – Pangulong Duterte

Mistulang nakahanap ng kakampi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuligsa sa mga pari at ito ay sa katauhan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Pangulo, kanyang sinasang-ayunan ang paninindigan ni Gat. Jose Rizal kontra sa aniya’y panghihimasok ng alagad ng simbahan sa pagpapatakbo sa gobyerno kahit noon pa man.

Sabi ng Chief Executive, tama ang pambansang bayani ng pinuna nito ang kaparian na kanyang idinaan sa kanyang aklat na Noli Me Tangere.

Partikular na tinumbok dito ni Rizal ayon na rin sa Pangulo, ay ang nuo’y pakikialam ng paring si Father Damaso sa pagpapatakbo sa pamahalaan, na isa sa mga naging pangunahing tauhan ng tanyag na aklat.

Mensahe ng Pangulong Duterte sa mga pari, huwag namang sobrahan ang pangingialam sa pamahalaan sa gitna na rin ng umiiral na separation of powers sa pagitan ng church and state. | ulat ni Alvin Baltazar