Pangamba sa kanyang buhay ng abugadong naghain ng reklamong mass murder kay Pangulong Duterte sa ICC, dapat ipaalam ni Atty. Sabio sa mga pulis ayon sa Palasyo

Pinayuhan ng Palasyo ang abugadong naghain ng reklamo at nag-aakusa kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mass murder sa International Criminal Court o ICC.

Sa gitna na rin ito ng umano’y pangamba ngayon ni Atty. Jude Sabio sa kanyang buhay at nararamdamang pressure dulot ng implikasyon sa inihain niya sa ICC laban sa Presidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kung may banta kay Atty. Sabio, i-report niya ito sa mga otoridad pulis.

Payo ni Roque, maaaring gamitin ni Sabio ang writ of amparo na siya naman aniyang remedyo sa pinangangambahan nitong banta sa kanyang kaligtasan.

Si Sabio ay abogado ni umano’y confessed Davao Death Squad hit men Edgar Matobato at Arturo Lascañas na ngayoy pawang mga fugitives na umano. | via Alvin Baltazar