Pangalawang bersyon ng draft EO sa Endo, hawak na ng Pangulong Duterte

Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang bersyon ng draft ng Executive Order para sa ‘Endo’ o pagapapatigil ng kontraktwalisasyon sa bansa.

Sinabi ito ng Pangulo bago ang kanyang talumpati sa awarding ceremony ng SAF44 kanina sa Palasyo ng MalacaƱang.

Ayon sa Pangulo, kaninang hapon lang niya natanggap ang pangalawang kopya ng EO at pag-aaralan muna niyo ito bago mapirmahan.

Pagsisiguro ng Pangulo, ginagawa ng gobyerno ang kanilang makakaya para matulungan ang mga mamamayang Pilipino. | via Nimfa Mae Asuncion