Pang-unawa at kahinahunan ng publiko, hiniling ng isang mambabatas kasunod ng vaccine error sa Makati

Nanawagan si Assistant Majority Leader Juan Fidel Nograles sa publiko na pairalin ang pangunawa at kahinahunan kasunod ng vaccine error o vaccination breach na nangyari sa Makati.

Ayon sa kinatawan, natugunan na ng Department of Health ang insidente at nabakunahan na rin ang indibidwal na sangkot dito.

Bagamat naiintindihan din ang galit at pagkabahala ng publiko ay kailangan ring ikunsidera ang posibilidad na pagod na rin ang mga health workers.

Dapat aniya ay balansehin din ang pagtutok sa pagkamit ng population protection kasabay ng pagsasaalang-alang naman sa kapakanan at working conditions ng mga health frontliners.