Pang-aabala sa trapiko ng NDF, binatikos ng AFP

Malaking perwisyo para sa mga motorista ang ginawang pang-aabala sa trapiko na nilikha ng rally ng NDF sa EDSA kahapon, Abril 23.

Sa isang statement, inihayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Bienvenido Datuin na ang mga ganitong uri ng aktibidad ng mga komunista ay hindi nakakatulong sa ordinaryong mamamayan na naaabala sa kanilang paghahanapbuhay.

Ilang ulit na ring nagsagawa ng mga “lighting rallies” sa Kamaynilaan ang mga makakaliwang grupo na lumikha ng “heavy traffic”.

Noong nakaraang buwan, ilang indibiduwal na nakasuot ng pula ang nag-rally sa Mendiola para ipagdiwang ang anibersaryo ng NPA, na nagresulta sa pagkabuhol-buhol ng trapiko sa lugar.

Noong Marso rin ng nakaraang taon, hinarangan ng mga makakaliwang protesters ang EDSA na naging sanhi ng isang malaking traffic jam.

Ayon kay Datuin, malimit na ginagawang isyu ng mga komunista ang “human rights” sa kanilang mga rally pero hindi nila nirerespeto ang “human rights” ng mga ordinaryong indibiduwal na huwag maabala sa kanilang araw-araw na pamumuhay. | via Leo Sarne