Panawagan ng Pangulo na pabilisin ang impeachment kay CJ on-leave Maria Lourdes Sereno, para lang sa mga PDP-Laban members

Nilinaw ngayon ng MalacaƱang ang naging panawagan kahapon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso tungkol sa pagpapa-fast track sa impeachment process laban kay Chief Justoce on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa isang statement sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ginawa ng Pangulo ang naturang panawagan bilang party Chairman ng partidong PDP-Laban.

Dagdag pa ni Roque, ang direktiba ng Pangulo ay para lamang sa mga Kongresista sa Kamara na miyembro ng PDP-Laban.

Kahapon, bago tumulak papuntang China ay idineklara na ng Pangulong Duterte ang kanyang sarili bilang kaaway ni CJ Sereno kasabay nga ng panawagan kay House Speaker Pantaleon Alvarez at mga kongresista na madaliin na ang impeachment process sa Punong Mahistrado. | via Nimfa Mae Asuncion