Panawagan na tulong ng LGUs sa kanilang COVID situation, naririnig at tinutugunan na ng NTF

Naririnig ng MalacaƱang ang panawagan ng mga lokal na pamahalaan sa bansa, kaugnay sa COVID-19 situation sa kanilang mga lugar.

Pagtitiyak ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng pahayag ni Albay Governor Al Francis Bichara, na tumataas na ang COVID cases sa kanilang lugar, ngunit kakaunti pa rin ang natatanggap nilang bakuna, ta delayed rin ang paglabas ng mga resulta ng COVID test.

Ayon sa kalihim, tutugunan ng National Task Force Against COVID-19 ang mga idinudulog ng mga lugar sa bansa na nakakaranas ng surge sa kaso.

Una na rin aniyang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagpapabilis sa deployment ng bakuna at pagdaragdag sa ibinibigay na COVID vaccine sa mga lugar na tumataas ang kaso.

Sa kasalukuyan ayon sa kalihim, hindi na lang ang NCR Plus 8 ang prayoridad ng national government, kung hindi maging ang iba pang lugar na nakakapagtala ngayon ng pagtaas sa COVID cases.