Pamimigay ng nationwide Pantawid Pasada fuel card, hanggang ngayong araw lang

Ipatutupad ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang distribution ng one time big time nationwide Pantawid Pasada fuel card.

Ito na ang huling hirit ng pamimigay ng subsidiya para sa taong 2018.

Pinasimulan na kaninang alas-9:00 ng umaga ang pamimigay nito sa LTFRB Central Office at National Capital Region (NCR) sa Quezon City at magtatapos hanggang alas-5:00 ng hapon.

Hinihikayat ng LTFRB ang mga operator-drivers na i-claim na ang kanilang fuel cards sa mga itinakdang schedule at lugar.

Maaari ding makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional office para sa iba pang karagdagang impormasyon.  | ulat ni Rey Ferrer