Pamamaril sa dalawang politikong kasama sa narco-list ng pangulo, patuloy na iniimbestigahan ng PNP

Patuloy na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pamamaril sa dalawang politikong kasama sa narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao double time ang mga regional offices ng PNP para maresolba ang pamamaril at pagpatay kay dating mambabatas ng La Union na si Eufronio Ereguel, at sa frustrated ambush attempt kay Daanbantayan Mayor Vicente Loot at sa pamilya nito.

Si Ereguel ay binaril at napatay habang nagsasalita sa isang meeting de avance.

Si Loot naman ay inambush habang kasama ang kanyang pamilya kahapon, kung saan sugatan ang kaniyang driver at yaya ng kaniyang apo.

Ayon kay Bulalacao, hindi pa nila masiguro kung election-related ang pananambang sa dalawang local officials.

Dagdag ni Bulalacao, wala pa silang natanggap na impormasyon patungkol sa mga umano’y “bounty hunters” na humahabol sa mga opisyal na nasa narco-list ng pangulo. | via Leo Sarne