Pamamahala sa PNPA, isinalin na sa PNP mula sa PPSC

Pormal nang nai-turn over sa Philippine National Police (PNP) ngayong umaga ang Philippine National Police Academy (PNPA)  mula sa Philippine Public Safety College (PPSC).

Ang paglipat ng superbisyon at control ng PNPA sa PNP ay itinakda ng Republic Act 11279.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Banac ngayong PNP na ang mamahala sa PNPA, makakatulong ito upang magkaroon ng physically at morally competent na police force.

Mahalaga aniya sa internal cleansing program ng PNP na sa simula pa lang ay masanay na sa military-style disipline ang mga pulis, at masala yung mga potensyal na bugok na itlog.

Sa ngayon ay accountable na ang PNP sa lahat ng aspeto sa pagsasanay ng mga pulis mula sa recruitment, education, field training at deployment.

Sa PNPA sinasanay ang mga nagiging opisyal ng PNP.