Pamamahagi ng ECQ financial aid sa mga taga-Quezon City, hanggang ngayong Miyerkules na lang

Hanggang May 12 na lamang mamamahagi ng financial aid ang Quezon City government sa mga qualified beneficiaries na nasa opisyal na listahan.

Ayon sa City Treasurer’s Office, nasa P100 million pa ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo.

Sinabi naman ni Mayor Joy Belmonte na pagtutuunan naman ng city government ang apela ng iba pang eligible citizens na hindi naisama sa listahan para makakuha ng ayuda.

Mula April 7, aabot na sa 96% o P2.38 billion financial aid ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa qualified beneficiaries ng lungsod.

Nasa 758,525 families o 2,381,863 individuals ang nakakuha na ng monetary aid na P1,000 hanggang P4,000 para sa pamilya na may apat o higit pang miyembro.