Pamamahagi ng ECQ ayuda, itutuloy ngayong araw ng linggo sa Caloocan City

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Caloocan City government ang distribusyon ng ayuda sa mga residente na apektado ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Paalala ng local government unit (LGU) sa mga benepisyaryo bago magtungo sa payout sites, dapat ay may text message nang natanggap mula sa USSC.

Kabilang sa payout sites na bubuksan ngayong araw sa North Caloocan ay ang City hall North,Sto Nino Elementary School, Tala Glorieta,Caloocan City North Elementary School, Libis Camarin covered court, Amparo High School, 171 barangay hall covered court, Bagong Silang High School,Mountain Height High School, Silanganan Coverd Court at Congress Elementary School.

Sa South Caloocan naman bubuksan ang mga payout sites sa Caloocan High School, Barangay 1 Covered Court, barangay 144 covered court, Galino covered court, Samaka covered court, A.Bonifacio Elementary School, Barangay 20 covered court at Lerma covered court.

Bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng ayuda na P1,000 o hanggang P4,000 bawat pamilya.