Pamahalaan, tiniyak na walang dagdag na buwis na mangyayari sa ilalim ng draft federal constitution

Walang dagdag na buwis na ipapataw sa federal form of government.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya na walang additional tax na ipatutupad sa ilalim ng bayanhihan federal system.

Ayon kay Malaya, maaaring tiningnan ng ilan ang pattern o sistema sa Estados Unidos na kung saan, may income tax na ipinatutupad ang nasa federal level bukod pa ang nasa state level.

Pero batay aniya sa draft federal constitution, ang gagamitin pa din ay ang kasalukuyan at umiiral pa ring porsiyento ng ipinapataw na pagbubuwis na napupunta sa national government.

Ayon kay Malaya, ang nakapaloob sa draft at ang isinusulong ay ang equal distribution ng mga buwis na nasisingil na ibabagsak sa region na tiyak nilang pakikinabangan.  | ulat ni Alvin Baltazar