Pamahalaan, tiniyak na kukuha rin ng bakuna para sa mga 17 taong gulang pababa

Bibili ang gobyerno ng bakuna na akma para sa mga 17 years old below.

Ito ang tiniyak ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa harap ng ulat na maaari na din umanong ipagamit ang ilang US brand vaccine sa nasabing age bracket.

Sinabi ni Galvez na hindi nawawala sa bisyon ng pamahalaan na maprotektahan din ang mga kabataan sa harap ng pinalalakas na vaccination program ng gobyerno.

Ang kailangan lang ayon kay Galvez ay direktiba o approval na magmumula sa Food and Drugs Administration at sa vaccine expert panel.

Rekomendado ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos ang Pfizer COVID-19 vaccine na ipaturok na sa edad 12 to 15.