Pamahalaan, target na maiakyat sa kalahating milyon ang mababakunahan kada araw sa ikatlong bahagi ng taon

Target ng pamahalaan na maiakyat sa kalahating milyon kada-araw, ang bilang ng mga mababakunahan laban sa COVID-19 pagsapit ng 3rd quarter ng taon.

Sinabi rin ni vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na umabot na sa 150,000 noong isang linggo na ang mga nabakunahan kada araw, habang target naman ngayon ng pamahalaan na maitaas sa 250,000 ang mabakunahan kada araw.

Binanggit din ni Sec. Galvez na nalalapit na ang eleksyon kaya’t mas makabubuti kung halos lahat ng mga mamamayan ay protektado na sa COVID, bago pa man mag-botohan.