Pamahalaan, palaging bukas sa suhestiyon ng publiko, ayon sa Palasyo

Bukas ang pamahalaan sa ano mang mungkahi mula sa publiko, kabilang na ang pagresolba sa mabigat na trapiko sa EDSA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring ipadala ang mga suhestiyon sa MMDA, sa kaniyang tanggapan, o maging sa Office of the President.

Matagal na man na aniyang ginagawa ng pamahalaan ang pagiging bukas sa mungkahi ng publiko.

Sinabi ni Panelo na kung siya ang tatanungin ay maaaring subukan ang 24-hours activity o pagkakaroon ng shifting sa mga aktibidad, upang mabawasan ang bilang ng mga sasakyang dumaraan at bumi-biyahe tuwing office hours, o kaya’y peak hours.

Una na ring nanawagan ang Palasyo sa publiko ng pang-unawa, at hayaan muna ang MMDA na humanap ng solusyon sa trapiko.