Pamahalaan ng Vietnam namahagi ng tone-toneladang bigas sa mga residente ng Marawi City — DSWD

Aabot sa 200 metric tons ng bigas na katumbas ng 200,000 kilo ang ipinagkaloob ng Vietnamese government sa Department of Social Welfare and Development para sa internally displaced persons sa Marawi City.

Personal na inabot ni Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Socialist Republic of Vietnam Ly Quoc Tuan ang donasyong bigas sa DSWD Regional Office.

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, ang rice donation ay makakatulong sa DSWD para tiyakin ang food security ng mga IDPs, na nadisplaced bunga ng armed conflict sa Marawi.

Binisita din ng Ambassador ng Vietnam ang resettlement area ng Marawi siege survivors sa Sangongsongan, sa lungsod.

Sinabi pa ni Leyco, ang mga bigas ay iti-turn over ng DSWD sa Local government unit ng Marawi para sa kaukulang distribution sa nagsibalikan nang internally displaced persons sa Lungsod. | via Rey Ferrer