Pamahalaan, nakikipag-ugnayan sa World Bank sa gitna ng ulat na maraming kaso sa bansa ang naiulat na may mataas na bilang ng pagkabansot, malnutrisyon at nutritionally at risk pregnant women

Mayroon ng ginagawang koordinasyon ang Task Force on Zero Hunger ng gobyerno sa World Bank sa harap ng mataas na insidente ng malnutrisyon sa may 235 munisipalidad.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nagsumite na sila ng proposal sa World Bank kaugnay ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project na ang layunin ay masugpo ang maraming naiuulat na pagkabansot at kakulangan ng nutrsiyon ng mga buntis bunga ng malnutrisyon.

Sinabi ni Nograles na sa pamamagitan ng nabanggit na programa ay mabibigyan ang mga kinauukulan ng feeding program, micronutrient supplementation, at livelihood.

Nakapaloob sa higit sa 200 mga siyudad na naitalang may mataas na insidente ng malnutrisyon ang 5,936 na mga barangay.

Positibo naman ang kalihim na makakakuha sila ng suporta sa World Bank kaugnay ng naturang programa.

Photo by Philippine Information Agency