Pamahalaan, nagpapatupad ng recalibration sa pagpapadala ng add’l vaccines sa probinsya

Nagpapatupad ng recalibration ang pamahalaan kaugnay sa pagde-deploy ng COVID-19 vaccines, sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Department of Health (DOH) Supply Chain Management Services Director Ariel Valencia, ito ay upang matugunan rin ang pangangailangan sa bakuna ng mga probinsya na nakakaranas ng pagtaas sa COVID cases.

Sa ganitong paraan aniya, matatanggap ng mga probinsya ang bilang na bakuna base sa kanilang kailangan.

“Doing recalibration po doon sa additional vaccines po na kailangang dalhin sa area.” —Dir Valencia.

Kaugnay naman sa mga individual request ng mga local government para sa additional COVID vaccines, lahat aniya ng request na ito ay dumadaan sa National Vaccine Operations Center, lalo at ito ang nangunguna sa strategic plan ng pamahalaan upang i-address ang kasalukuyang pandemiya.

“Well, lahat po ng request po ay dinadaan po natin sa National Vaccine Operations Center. Nandoon po iyong strategic plan on how to address po and control po itong tinatawag nating pandemic.” —Dir Valencia.