Pamahalaan, may mga nabili at nalagdaan nang kontrata sa pagkuha ng COVID vaccines -testing czar Vince Dizon

Ikinagalak ng pamahalaan ang ulat na magbibigay ang g7 o ang mga mayayamang bansa ng donasyon na 1 bilyong doses ng COVID-19 vaccines sa mga bansang nangangailangan pa ng karagdagang suplay ng bakuna.

Sa MalacaƱan briefing, sinabi ni testing czar sec. Vince dizon na napakaganda ng balitang ito, ngunit mayroon na aniyang mga napirmahan na kontrata ang gobyerno mula sa iba’t ibang vaccine maker.

Sa katunayan ani Dizon, nakatakda nang dumating sa June 25 ang unang delivery ng binili ng pamahalaan na Moderna vaccine at inaasahang magtutuloy tuloy na aniya ito hanggang sa susunod na buwan.

Pero lahat aniya ng bakunang makukuha ng Pilipinas ay kailangang tanggapin upang mas mapabilis at mas mapataas pa ang bilang ng mga matuturukan ng vaccine.