Pamahalaan, may istratehiya ng naisip upang maabot pa din ang target na herd immunity sa kabila ng delay ng bakuna mula sa India

Kakayanin pa pa rin ng pamahalaan na maabot ang herd immunity sa kabila ng inaasahang bahagyang pagsisikip sa supply ng bakuna na makukuha sana ng bansa partikular sa India.

30 milyon kasi ang inaasahan sanang supply na makukuha ng pamahalaan ngunit dahil sa sitwasyon ngayon sa India, magkakaruon ng pagkakaantala.

Pero ayon kay Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, kaya pa ring maabot ang herd immunity kahit ma-delay ang pagdating ng Indian vaccine.

Ikakalat ani Galvez ang mga bakunang available sa bansa sa strategic areas at mga lugar na may matataas na economic at social impact.

Maaaring sa Setyembre pa sabi ni Galvez makarating sa bansa ang Novavax gayung kailangan aniya ng India ang mas maraming supply ng vaccine dahil na din sa tindi ng hawaan doon.