Pamahalaan, kumpiyansang bababa pa ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa mga susunod na araw

Bagamat bumaba na ang COVID-19 positivity rate, hindi pa rin abot ng bansa ang mas mababang standard na itinakda ng World Health Organization.

Ganunpaman, sinabi ni Testing czar Vince Dizon na tiyak na bababa pa ang naitatalang positivity rate  sa mga susunod na araw lalo ngayong ipaiiral ang dalawang linggo pang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus at iba pang parte ng bansa.

Sa unang bahagi ng pagpapatupad ng MECQ ay bumaba ang positivity rate ng 16.74% mula sa dating 25.22% nitong nakalipas na April 2.

Sa National Capital Region kung saan narito ang epicenter ng virus ay naitala ang positivity rate sa kasalukuyan na 17%.

Mataas pa rin ito mula sa itinakdang standard ng WHO na 5% positivity rate o mas mababa pa.

Pero sa dalawang linggong extension pa ng MECQ na magsisimula bukas hanggang May 14 ay kumpiyansa si Dizon na gaganda pa ang estado ng positivity rate ng bansa.