Pamahalaan, doble kayod na sa pagpapalakas ng internet capability ng Pilipinas na aabutin ng tatlong taon — Palasyo

Siniguro ng Palasyo sa publiko na dadami pa ang mga lugar sa bansa na mabibigyan ng libreng internet service.

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa mga uunahing mabigyan ng internet connection ay ang lahat ng pampublikong paaralan at unibersidad sa bansa.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay nagdu-double time na ang Department of Information and Communications Technology (DICT)  upang maabot ang target na makumpleto ang internet capacity sa Pilipinas.

Aabot aniya sa tatlong taon ang kakailanganin  bago makumpleto ang internet infrastructure sa bansa.

Isa si Roque sa co-author sa mababang kapulungan ng naipasang batas para sa libreng internet connectivity.

Sa ngayon wala pa ring 3rd party na naaprubahan ang gobyerno para sa 3rd player na magbibigay ng mas mabilis na internet service sa Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar